Friday, July 19, 2013

Oh no R is in love!

Kung hindi ka ba naman maloka dito. Pagdating ni R from school, I asked how her day went, sabi ba naman:

R: I love Enzo!

OMG! May crush na ang anak ko, at 2 years old?! Kinuwento ko sa Daddy nya. Kinagabihan, kinausap siya ng masinsinan.

Daddy A: R who do you love?
R: Enzo!
Daddy A: Kala ko ba ako lang love mo? Ano ba pinagsasasabi nya sayo?
R: Enzo loves R
Daddy A: Naniwala ka naman? May ipapakain ba yan sayo?
R: Yes
Daddy A: Next time if he tells you he loves him, tell him do you have money? (Bigla na ko sumabat)
Me: Hoy kung ano-ano tinuturo mo, baka kung ano sabihin ng teacher nya
Daddy A: Next time, if he tells you I love you, tell him "no cannot be, Daddy will get mad"

Hay what a scenario, pinipigilan ko nalang tumawa sa conversation nila. But time flies so fast, isang kurap lang dalaga na si R. Baka mahimatay si Daddy A pagdumating si R sa house na ganito:

Daddy bigay sakin ng boyfriend ko!

Homaygad!

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...